Dawwang: Kababaihang Tagapagtanggol ng Kordilyera
Illustrated by Nina Martinez
Publication Year: 2021
Language: Filipino, English
Format: Print
Pages: 48
Size: 7” x 11”
Si Leticia ‘Tining’ Bula-at ay mula sa grupong Naneng sa probinsiya ng Kalinga. Noong dekada ‘70, may bantang lunurin ng proyektong Chico River Dam ni Presidente Ferdinand Marcos at ng World Bank ang ili ng mga Naneng at iba pang ili sa Kordilyera. Dalawampu’t walong anyos si ‘Nay Tining nang dumating ang National Power Corporation at Philippine Constabulary sa kanilang bayan para simulan ang pagtatayo ng dam. Linabanan ito ng mga umili: nagtayo sila ng mga barikada, binaklas nila ang mga kampo, at direkta nilang hinarap ang mga sundalo. Sa kabila ng pisikal at sikolohikal na karahasan, nagpatuloy ang kilos-protesta ng pamayanan, at nakansela ang dam ni Marcos. Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikibaka nina ‘Nay Tining at iba pang kababaihang tagapagtanggol ng Kordilyera laban sa mga korporasyon at mapanirang mga proyekto ng gobyerno sa Ilog Chico at mga karatig-lugar.
Ang DAWWANG (salita ng mga Naneng para sa “ilog”) ay bersiyon sa Filipino ng komiks na ito na nilathala bilang LET THE RIVER FLOW FREE (Ingles) at LASST DEN FLUSS FLIESSEN (Aleman) sa ilalim ng proyektong Movements and Moments: Feminist Generations ng Goethe Institut-Indonesien.
GANTALA PRESS is an independent, non-profit, volunteer-run Filipina feminist press that centers women’s stories and issues in our projects. We believe in the potential of feminist publishing as a social practice and in solidarity work with women artists and collectives as vital political action. We always donate part of our earnings to projects that support the dispossessed and other victims of state violence. All our sales go to publishing projects for long-silenced communities in the margins.
Please allow 7-10 business days for shipping.
@kitchentable.puppetspress @gantalapress