Sa Aking Henerasyon: Mga Tula at Saling-Tula ni Kerima Lorena Tariman
Publication Year: 2022
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 390
Size: 6” x 9”
Tinitipon sa koleksiyong ito ang lahat ng libro at chapbook na sinulat ni Kerima, partikular ang Biyahe (Laguna: Philippine High School for the Arts [PHSA], 1996); Pag-aaral sa Oras: Mga Lumang Tula Tungkol sa Bago (Metro Manila: High Chair, 2017), at Luisita: Mga Tula (Gitnang Luzon: 2021). Matatagpuan din sa kasalukuyang kalipunan ang ilang mga piyesa sa libro nila ni Sonia Gerilya na pinamagatang Anahaw: Mga Tula at Awit (Palimbagang Kuliglig: 2004). Narito rin ang iba pang mga tula na lumabas sa Philippine Collegian at mga special edition nito; sa dyornal pampanitikan sa PHSA na Dagta; at sa mga publikasyong tulad ng Ulos, ang pangkulturang dyornal ng Pambansa-Demokratikong Kilusan.
Linathala ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Diliman ang 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor/Maya Daniel) (Lungsod Quezon: Aklatang Bayan, 2020) na unang sinulat sa Hiligaynon at/o Ingles at sinalin ni Kerima. Kabilang sa kalipunang ito ang mga saling iyon. Kasama rin sa librong ito ang iba pang salin ni Kerima ng tula ng iba’t ibang rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo at
panahon, mula sa isang walang-ngalang magsasaka sa sosyalistang Tsina hanggang kina “Roja Esperanza” at “Ka Audrey.” Karamihan sa mga salin ay nakapaloob na sa Pag-aaral sa Oras; ang iba ay kinopya mula sa Ulos at Anahaw.
GANTALA PRESS is an independent, non-profit, volunteer-run Filipina feminist press that centers women’s stories and issues in our projects. We believe in the potential of feminist publishing as a social practice and in solidarity work with women artists and collectives as vital political action. We always donate part of our earnings to projects that support the dispossessed and other victims of state violence. All our sales go to publishing projects for long-silenced communities in the margins.
Please allow 7-10 business days for shipping.
@kitchentable.puppetspress @gantalapress